Good morning (RP time) sa mga suki kong readers at ka-blog around the world.
First of all, i wanna say THANK YOU, THANK YOU for taking time to visit this blog.
As you can see our blog already gained visitors from 68 countries na over the past 5 months when this was created last August.
Napakaraming events na historical and controversial ang nasaksihan natin sa 2009. Nandiyan na ang makasaysayang libing at pagkamatay ni President Cory Aquino, World record ni Manny Pacquaio, pagsikat ni Mommy D, ang kasalang Mar and Korina, ang walang kamatayang Nobody hit song, ang makabagong dance step ng "Careless Whisper", record-low rating ng isang pangulo ng bansa, karumaldumal na Maguindanao Massacre, at may humabol pang walang kadala-dalang sea tragedy.
Let us all hope and pray and i believe that 2010 will be better. For sure, me bagong President na ang Pilipinas assuming na si GMA ay di magiging Prime Minister. Sabi nga ng makalumang kasabihan, "nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa" so LET'S DO IT all together. Vote wisely!
We are all responsible in changing our country. It starts sa sarili nating mga tahanan at pamilya.
Salamat po sa lahat ng mga nag-iinspire sa akin na ipagpatuloy itong blog dahil sa mga positive letters nyo sa akin.
Salamat ng marami din sa mga walang sawang contributors natin gaya nila Engr. Paul Elmer Morala from Germany, Ruel Alcantara Reyes from Al-Ain sa Abu Dhabi, RJ Reyes ng SM Cinema, Eileen Ramas ng SM Bowling Fairview, Vivian Caparas ng Viva Entertainment, Donya Margarita Garcia ng Avis Rent A Car at syempre ang mga online sources natin like GMA 7 http://www.gmanews.tv/, ABS CBN http://www.abs-cbnnews.com/ at Manila Bulletin http://www.mb.com.ph/, sa mga makukulit na chatters sa Chatbox gaya nila knip, muse, potter, harry, fox, happy, narda, flaire, paulm, mahal, grace, ems and black rider.
Syempre po, salamat din sa aking pamilya na patuloy sa pagsuporta dito sa blog. Sa aking asawa - Annie Sebastian na #1 supporter ko dito, sa aking panganay na si Gelo na #1 kritiko ko at taga-suggest kung sino ang "Da who" natin for the day and sometimes contributors na rin ng Jokes. At sa bunso ko na si Nikki dahil di sya magulo pag gumagawa ako ng template bago matulog hanggang i-upload ko ang material pag gising sa umaga.
Expect nyo po na lalo kong i-improve ang blog parang "We try harder" ng Avis. magkakaroon tayo ng New year week long special na may mga tips for a better year etc.
ADVISORY: Site will resume updating by January 4, 2010 na po. Pahinga muna habang ginagawa ang bagong format.
Paalam...Salamat... 2009!
No comments:
Post a Comment
What's your opinion?